Ibigay ang mga pang ugnay na ginamit sa kuwentoEskuwela o It’s KwelaNi: Lorry Jean P. RetretaMaliwanag pa sa maliwanag na bombilya, mas malinaw pa sa malinaw na mga mata NILA , at masigla pa sa masigla nilang adhika.Nagsimula na nga ang mala-pelikulang mga tagpo sa bansa. Unang binigyang mukha sa kamera ang kalakhang Maynila. Hindi nagtagal ay sinakop na rin ang buong bansa. Nakagugulat at hindi inaasahan ang pangmalawakang krisis na ito na dulot ng mapaminsalang virus. Lahat ay nagimbal at ni sa panaginip ay hindi napanaginipan. Nagsipagsara ang mga kompanya at establesimyentos, lalong-lalo na ang maliliit na negosyo. Dahil dito milyon-milyon ding tao ang nawalan ng trabaho. Tuluyan na ngang tumigil ang ikot ng mundo (ang kinagawiang galaw ng mga tao) lahat ay nagbago. Pero hindi pa rito nagtatapos ang kuwento. “Learning must continue… Education cannot wait” sinong hula mo ang nagsabi nito? Batid kong kilalang kilala mo siya. Ang tanging nagwika niyan ay si kalihim Leonor Brinones, batid niya ang uhaw sa karunungang dapat na pandayin kasabay ng pananalasa nitong pandemya. Sa madaling sabi, agad-agad na ngang iplinaka ang pagbubukas ng eskuwela sa bansa. Mayroong natuwa, subalit marami ang ngumiwi at tumaas ng kilay. Hindi lamang mga estudyante kundi pati na rin ang mga magulang na nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Sapagkat napakalaking pagbabago ang iminungkahi sa pagpapatupad ng makabagong dulog sa pagkatuto at pagtuturo. Sa dakong huli tinanggap ito at pilit na niyakap ng bawat tao, sapagkat ano pa nga ba ang magagawa. Nariyan na ‘yan at kailangang magpatianod na rin.Sa dinami-rami man ng hinanakit, galit, poot,at pagtitiis sa makabagong dulog na ito sa pagkatuto, maraming nagsilbing liwanag sa masukal at madilim na bagong mundo. Isa na sa lista ang mga GURO. Mga guro na kahit nangapa rin sa pagbabago ay patuloy na nagsikap at pilit na binabagtas ang daang patungo sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakangiti pa rin sa likod ng pighati, puno ng pag-asa na babalik din sa dati ang lahat. Magkikita-kita ulit tayo sa paaralan mo, maririnig mong muli ang mga halakhak ko, mabibingi kayong muli sa boses ko, gigising kang muli nang maaga para sa flag ceremony. Sasakit muli ang ulo mo sa Math subject niyo, babalikan ang nakaraan sa Araling Panlipunan, magpapakabait sa Edukasyon sa pagpapakatao, magiging parang si Eintein sa Science, (Set A niyo yan.) Matututong magluto, magbenta, magsulsi, , mag-ala-engineer, magtanim, at ma-KURYENTE ☺ sa TLE. Sumayaw, kumanta, at maglaro at maging talentado sa MAPEH, tumunog banyaga sa English at syempre ang paborito niyong asignatura, ang siyang nagsisilbing tagapag-paalala sa halaga ng isang mamamayang pilipino ,ang Filipino.Sa lahat ng ito, ang tanging mensahe lamang ay huwag sumuko at mawalan ng gana sa pagkatuto. Babalik din sa dati ang lahat. Lahat ng kaguruan ay sabik na ring makita at makahalubilo kayo araw-araw. Nandito lamang kami handang sumalubong sa inyo.Ngayon ang tanong ko, eskuwela ba? o it’s kuwela na matuto.
1. Ibigay ang mga pang ugnay na ginamit sa kuwentoEskuwela o It’s KwelaNi: Lorry Jean P. RetretaMaliwanag pa sa maliwanag na bombilya, mas malinaw pa sa malinaw na mga mata NILA , at masigla pa sa masigla nilang adhika.Nagsimula na nga ang mala-pelikulang mga tagpo sa bansa. Unang binigyang mukha sa kamera ang kalakhang Maynila. Hindi nagtagal ay sinakop na rin ang buong bansa. Nakagugulat at hindi inaasahan ang pangmalawakang krisis na ito na dulot ng mapaminsalang virus. Lahat ay nagimbal at ni sa panaginip ay hindi napanaginipan. Nagsipagsara ang mga kompanya at establesimyentos, lalong-lalo na ang maliliit na negosyo. Dahil dito milyon-milyon ding tao ang nawalan ng trabaho. Tuluyan na ngang tumigil ang ikot ng mundo (ang kinagawiang galaw ng mga tao) lahat ay nagbago. Pero hindi pa rito nagtatapos ang kuwento. “Learning must continue… Education cannot wait” sinong hula mo ang nagsabi nito? Batid kong kilalang kilala mo siya. Ang tanging nagwika niyan ay si kalihim Leonor Brinones, batid niya ang uhaw sa karunungang dapat na pandayin kasabay ng pananalasa nitong pandemya. Sa madaling sabi, agad-agad na ngang iplinaka ang pagbubukas ng eskuwela sa bansa. Mayroong natuwa, subalit marami ang ngumiwi at tumaas ng kilay. Hindi lamang mga estudyante kundi pati na rin ang mga magulang na nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Sapagkat napakalaking pagbabago ang iminungkahi sa pagpapatupad ng makabagong dulog sa pagkatuto at pagtuturo. Sa dakong huli tinanggap ito at pilit na niyakap ng bawat tao, sapagkat ano pa nga ba ang magagawa. Nariyan na ‘yan at kailangang magpatianod na rin.Sa dinami-rami man ng hinanakit, galit, poot,at pagtitiis sa makabagong dulog na ito sa pagkatuto, maraming nagsilbing liwanag sa masukal at madilim na bagong mundo. Isa na sa lista ang mga GURO. Mga guro na kahit nangapa rin sa pagbabago ay patuloy na nagsikap at pilit na binabagtas ang daang patungo sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakangiti pa rin sa likod ng pighati, puno ng pag-asa na babalik din sa dati ang lahat. Magkikita-kita ulit tayo sa paaralan mo, maririnig mong muli ang mga halakhak ko, mabibingi kayong muli sa boses ko, gigising kang muli nang maaga para sa flag ceremony. Sasakit muli ang ulo mo sa Math subject niyo, babalikan ang nakaraan sa Araling Panlipunan, magpapakabait sa Edukasyon sa pagpapakatao, magiging parang si Eintein sa Science, (Set A niyo yan.) Matututong magluto, magbenta, magsulsi, , mag-ala-engineer, magtanim, at ma-KURYENTE ☺ sa TLE. Sumayaw, kumanta, at maglaro at maging talentado sa MAPEH, tumunog banyaga sa English at syempre ang paborito niyong asignatura, ang siyang nagsisilbing tagapag-paalala sa halaga ng isang mamamayang pilipino ,ang Filipino.Sa lahat ng ito, ang tanging mensahe lamang ay huwag sumuko at mawalan ng gana sa pagkatuto. Babalik din sa dati ang lahat. Lahat ng kaguruan ay sabik na ring makita at makahalubilo kayo araw-araw. Nandito lamang kami handang sumalubong sa inyo.Ngayon ang tanong ko, eskuwela ba? o it’s kuwela na matuto.
Answer:
cU5utiY5TfW6WVDRZoM46P